Ang toothpick ay galing sa isang malaking troso

Posted by Dee-Aye , Wednesday, May 12, 2010 8:33 PM

Opo, galing ang toothpick sa mga malalaking troso mula sa iba't ibang kabundukan. Kabilang ang Bundok ng Urara.
Eh anong kaabnormalan na naman yang isang kilong toothpick na yan, ha Deeaye?



Naisip ko kasi (weh, isip daw oh!) na ang hirap bilangin ng toothpick. Mabibilang mo lang siguro sa daliri ng butiki ang taong nagtiyagang magbilang ng toothpick.

Same with me, ang dami dami kong naiisip pero hindi naman ako nagtitiyagang magsulat or ishare yung naiisip ko.

Namimili lang ako ng sasabihin.

Same with toothpick, minsan mo lang maiisipang magtoothpick at tanggalin yung tinga. Most of the time, toothbrush.

Pero gets mo ba yung sinasabi ko? (Kasi ako hindi)
Basta, toothpick.
Toothpick = blogging. Tinga = Random thought.
So toothpick. Wala lang, pacool lang.

Kung toothpick ang name, bakit travel travelan ang background mo?

E pakialam mo ba? (At talagang may kausap ako sa blog ko, scary).
Kasi traveler ako. One day, someday, when the day comes, malilibot ko rin ang mundo.
Pero parang ang hirap. Kasi Pilipinas pa nga lang, naghihirap na ako eh yung buong mundo pa kaya?

Basta, tsaka ko na iisipin yan. Yung iba nga na dati lang naliligo sa dagat ng basura (sobrang cliche na ng hirit na dagat ng basura pero ginamit ko pa rin) e nagawang tumakbong presidente, e ako, travel the world lang.